Monday, February 6, 2012

Walang pasok?? sa'n tatambay?




Masarap talaga pag walang pasok, bukod kasi sa ilang araw na paggawa e ito lang
ang araw na talagang makapagpapahinga ka. kaya lang minsan ang sobrang pahinga ay
talagang nakakainip. Para iwas inip, eto yung mga lugar na pinupuntahan at bagay na ginagawa ko pag walang pasok..


Basketball Court

Bukod sa maganda ang exercise sa katawan ng tao, natututo din tayong makihalubilo sa iba.
hindi lang yan, minsan pa may dumadaang mga "chicks"!, hehehe... panu ba yan pakitang
gilas na. kung hindi ka naman mahilig sa basketball eh pwede rin naman sa tennis court,
volleyball court, badminton court basta 'wag lang sa justice court.

Naglalakad
Halos isang kilometro din ang layo ng kabayanan dito samin. Para makatipid naglalakad na
lang ako pag hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw. wala lang, tinitignan ko lang yung
mga "trending" o yung mga bagay na uso.  At pambihira, sa iilang tindahan at establishments
na napuntahan ko, malaking oras na ang nagamit ko. nalilibang na natututo pa ko. ang tindeh!

Kompyuter shop

para sa'kin. depende talaga sa paggamit mo ng oras nasusulit ang pagkokompyuter,gusto ko
kasing magawa lahat ng gusto ko bago matapos yung rental time. video
 streaming, article posting, facebook, twitter at games ang mga hilig ko. kasama pag jan yung
paggawa ko ng mga banners, doing charities, PSG , TIMYAPS, autocad, web programming,
database desing, algorithms, relational algebra, at kung anu-anu pa. kaya sa dami ng
ginagawa ko at pinipilit kong matapos, yung 1 hr na binayaran ko ay kulang na lamang
sigawan ako ng bantay.. mission success! nagawa ko lahat. pati ang pang aasar kay ate^_^.

Magsulat
Nawili na kong magsulat . bagaman isa itong blog page ay hindi ako kontra sa anumang
layunin ng paaralan na maitulak ang "art of handwriting" na syang kalaban ng digital
technology. sa dami ba naman kasi ng hi-tech na gamit ngayon eh mas gugusutuhin mo pa
bang magsulat? syempre dapat lang.  isipin mo panu na lang ang mga future
architects kung pangit sila magsulat? mga duktor na umaasa sa gadgets? mga secretary na
"thumbs down" ang handwriting? at panu na ang mga dinding na walang vandals?. madami ka
talaga pwedeng isulat, lalo na 'pag walang klase..


Ikaw? san ang tambayan mo 'pag walang pasok, at bakit?? comment ka lang sa baba.

(Q: anong cellphone unit ang gamit ng mga tambay?)
(A: Samsung Galaxy S II, weh? d nga??)

No comments:

Post a Comment