Monday, May 27, 2013

Huling banat ng Estudeynt


 Hindi ko ginawa ang post na 'to para kutyain ka, o di kaya para "mang asar", alaskahin ka o ewan.. bilib kasi ako sa kakayahan ng isang kabataan na gumawa ng mga bagay na gusto niya. sabi nga ng matatanda
"idealistic" daw tayong mga kabataan, masyado tayong maraming naiisip. ‘pag naisip nating gumraduate, ggraduate talaga tayo. By all means. tignan mo naman ung picture oh. mukha pa lang ni manong pang asar na, pero hindi, hindi kita gustong asarin. gusto lang kitang I - challenge o hamunin na tapusin ang pag aaral mo. marami rin naman akong pinag daanan bago matapos ang kurso ko, at di maglalaon (wow, ang lalim) matatapos mo rin yung sa'yo. way back 2010, isa lang akong simpleng bata [okey sige binata]. nasiraan na ng mga pangarap sa buhay. pa'no ba naman, sa lahat ng mga colleges and universities na pinasukan ko lagi na lang kaming kinakapos sa pera, kulang daw sa pinansyal. alam mo kung ano'ng ginawa ko?. wala noon kase, hindi ko na inisip yung makatapos ako ng pag aaral. mag iipon muna ako mula sa kita ko sa trabaho saka ako mag aaral. mejo epic fail may nag alok sakin na maging working student sa isang fasfood chain. Simula no’n grabeng hirap na ang naabutan ko gabi-gabi. Uma-umaga. Yung tipong mag aaral ka sa umaga hanggang tanghali, tapos mag ta-trabaho ka sa hapon at uuwi ng gabi.. dyahe noh? Monday to Sunday ang pasok ng isang working student, nakaya ko, nakakapag Dota pa nga ako kung minsan e. Yung nga lang, sa sobrang busy ng sched ko e halos wala na akong time for social life. Siguro pesbuk nalang ang nagsasabi sakin ng mga pagbabago sa paligid ko nung mga panahong yon. Ibang hirap yon, akala ko kasi dati easy easy lang ang ganung buhay. Hindi pala. Pero at the end of the day natapos ko naman di ba? Sinu ba naman sa’tin ang di naghahangad ng magandang buhay? (sabay “pLay” ng ad ni Binay). Gaya ng sabi ko kanina ni-chachallenge lang kita KAYA MO BA? - OO MAY IBUBUGA KA PA BA? - Marami pa! Sige, tama yan. Balang araw masasabi mo rin ung “sarap mag aral noH? Bleh!, Graduate na ko!”

No comments:

Post a Comment